9/11 AKLAS VS. ALL ARTIST INSIGHT: Tony Gee

Mula sa pluma ni Tony Gee

Ako po si Tony Pete Patinga aka TonyGee, galing ng Surigao City. Isa po akong Rap Artist at dating bokalista ng showband.

Napadpad ako sa iloilo mga 2015 at na discover ako ni Kenneth (Larz Wizzy) nung binenta ko sa kanya yung mga equipment ko sa studio ko... Pinakilala niya ako kay Aktibar  (leader ng Streetfame familia). Pero bago sa SF, may dati akong Grupo na kilala bilang Bagsik Ng Surigao na under naman kay Jason ng Pamilya Bagsik.

Dito mas napalawak ko yung isip ko sa music sa underground. Hangang sa sinubukan ko ring bumattle sa mga events at nakilala si boss Giolvin at Martin ng Oiys Rep. Sila yung naging daan kaya ako nakapasok ng Ubusay Rasa at Gerahay Letra (local rap battle leagues).

About sa music naman, bumalik ako sa pag perform sa stage dahil kay Sir Philip(AKLAS). Napakalaking tulong sakin ng events na naiimbitahan niya ko dahil dito ko na eexpress yung mga sulat ko. Year 2020 nag labas ako ng EP na pinamagatan kong "Istorya". Dito ko nirelease yung song na "Depresyon".


Taong 2021 - 2022 nagpahinga ako sa scene dahil nag fofocus ako sa pinaplano na buisness namin ng family ko. Pero abangan ninyo at by 2023 mag rerelease ako ng EP bilang solo artist. Maraming salamat.



Catch Tony Gee on 9/11 5PM for Madness: AKLAS VS. ALL at WANBATS GRILL & RESTO BAR. For tickets and event inquiries, message us at KONSTRUK BOOKINGS



Comments

Popular Posts